'Di 'ko na makita pa
Ang liwanag na dati'y malaya
Patuloy lang sa paglakad ang aking mga paa
Panatag na kailanma'y 'di ako mag-iisa
Ngunit unti-unting kumupas lahat ng kulay
Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay
Kinabukasan man ay walang patunay
Umaasa na hindi ka pa mawawala
Kung lahat may hanggan
Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan
'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta
Alam 'kong pagod ka na
At nandito pa rin ako sa paraiso
Pinangako na sabay nating binuo
'Wag nating hayaang gumuho
Bawat minuto at segundo
Ibibigay 'ko ang lahat
Ooh Hayaan mo na munang ako'ng pumasan
Ng 'yong bigat ng bigat
Unti-unting kumupas lahat ng kulay
Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay
Kinabukasan man ay walang patunay
Umaasa pa hindi ka basta mawawala
Kung lahat may hanggan
Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan
'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta
Alam 'kong pagod ka na
Kung lahat may hanggan
Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan
'Di ba pwedeng balikan ang mga pangako sa 'ting nakaraan
Iyo bang nalimutan
'Di 'ko na alam kung ano'ng gagawin
Kung para sa'n pa ang aking mga hiling
Malayo-layo na rin ating narating
Na parang mag-isa ako na lang
Ganyan ba talaga ang kinabukasan
Ang mga sinimulan
Ayoko namang pagsisihan ang lahat
Ito na ba'ng wakas
Ang lahat may hanggan
Walang saysay ang patuloy lumaban
'Di ba para kang tanga kung isasalba mo pa rin ang wala na
Alam 'kong ubos ka na woah-ahh
Kung lahat may hanggan woah-ooh
Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan
'Di na ba mahalaga mga binitawan nating salita
Ako man ay pagod na
Ito na ang simula at wakas
Ng mga bagay-bagay na pinaghirapan
Matatapos na lang ba sa paalam
'Eto nga ba'ng simula at wakas
Ng lahat ng pangarap na ating nilaban
'Wag mong kalimutan ang aking pangalan