Choose a track to play
Huwag ka nang magtago
Huwag ka nang malulungkot
Huwag ka nang mag-alala
Tanggapin mo na kung saan ka masaya
Buksan mo na ang iyong aparador
Mga lumang damit nakatago pa
Ilabas mo na at iyong suotin
Sukatin mo kung pwede pa
Ang dating ikaw ay nakatago pa
Ang tunay na gusto tinitiis mo pa
Mahirap pigilin ang pusong
Pagbabalat kayo pansin naman ng ibang tao
Totoo bang pinapakita mo
Mahirap ang magpigil pag di mo gusto
Humarap ka sa salamin
At sabihin mong hindi ako ito
Ipikit mo na ang iyong mga mata
Huminga ka ng malalim
Lumabas ka sa aparador
At ipakita mo ang iyong totoong
Buksan mo na ang iyong aparador
Mga lumang damit nakatago pa
Ilabas mo na at iyong suotin
Sukatin mo kung pwede pa
Ang dating ikaw ay nakatago pa
Ang tunay na gusto tinitiis mo pa
Mahirap pigilin ang pusong
Pagbabalat kayo pansin naman ng ibang tao
Totoo bang pinapakita mo
Mahirap ang magpigil pag di mo gusto
Humarap ka sa salamin
At sabihin mong hindi ako ito
Kalimutan na ang nakaraan
Harapin mo na ang katotohanan
Buksan muli't ang iyong aparador
At itago mo na habang buhay ang iyong dating ikaw
Ba ang pinapakita mo
Mahirap ang magpigil pag di mo gusto
Humarap ka sa salamin at sabihin mong hindi ako ito
Totoo ba ang pinapakita mo
Mahirap ang magpigil pag di mo gusto
Humarap ka sa salamin
At sabihin mong hindi ako ito
Hindi ako ito
Hindi ako ito
Hindi ako ito hm