Choose a track to play
Sinta, ako pa ba'y nasa iyong alaala?
Bakit ba nag-iisa sa hapag ng pagdurusa?
Ako lang ba ang siyang may nais
O sadyang dama mo rin ang tulad ng nadarama?
Sa pag-ikot ng araw at buwan
'Di na ba sila magkikita kailanman?
'Pag nasusulyapan kita, buong mundo'y tumitigil
Sadyang dumadalas, pagsigaw ng 'yong pangalan
Bakit 'di mo marinig? Bakit 'di mo maipaglaban?
Sa hardin ng ating pangarap
Tuluyan ng nalanta ang bulaklak na iyong iniwan
Aah, Sa pag-ikot ng araw at buwan
'Di na ba sila magkikita kailanman?
'Pag nasusulyapan kita, buong mundo'y tumitigil
Sa paglipas ng panahon
Meron pa bang ibang pagkakataon?
Dahil susundan kita sa iyong mundong inaangkin
Hatinggabi, liwanag ng langit
Tanging hiling ay makita ka at mayakap ka
Sa pag-ikot ng araw at buwan
'Di na ba sila magkikita kailanman?
'Pag nasusulyapan kita, buong mundo'y tumitigil
Sa paglipas ng panahon
Meron pa bang ibang pagkakataon?
Dahil susundan kita sa iyong mundong inaangkin
Sa paggising ko'y bakit
Ikaw ay wala sa piling?
O bakit? Bakit?
Panaginip ka lamang ba?
O ika'y totoo?