Choose a track to play
'Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
'Pag katabi kita, 'di ako makapagsalita, pero 'di ibig sabihin no'n
Na ayaw kita at 'di kita gusto
Sadyang kumakaba lang ang damdamin ko
Gusto ko man sabihin sa 'yo, pero ang lakas ng hiya ko
Parang ewan lang
Binibini ng buhay ko, handa 'kong ialay ang lahat
Sabihin mo lang at gagawin ko para lang sa 'yo
Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin sa iyo
'Di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya 'ko sa 'yo
Naghihintay ng tala
Na daraan sa 'king paningin 'pagkat gusto kong humiling ng
Sana ang pinakatinatangi-tanging babae na sa 'kin nakapagdulot ng kakaiba
Sana'y 'di na mawalay pa, dahil baka 'di ko kayanin 'to, whoa (oh)
Ikaw (ikaw) ang siyang pinakamakislap na bituin para sa 'kin, sinta
Oh, at ikaw (at ikaw) din ang siyang (din ang siyang)
Nagsisilbing matamis na panaginip ko
Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin sa iyo
'Di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya 'ko sa 'yo
Ikaw ang musikang naglalaro
Sa isipan ko, whoa, whoa
Ikaw ang siyang awit ko (ang awit ko)
Sana ako'y dinggin mo
Ako ay parang emo kung magdrama
Sa 'yo lang nadama sayang kakaiba
Kumbaga, ikaw si Wendy, ako si Peter Pan
Sana'y sumama ka sa 'kin do'n sa Neverland
Nang mapagsaluhan natin ang pag-iibigan
Na walang katapusan, walang-hanggan
Ikaw ang nagbigay-kabuluhan sa buhay ko
At ikaw ang siyang sa akin ang nagbigay-kahulugan
Kung bakit ako 'pinanganak ng magulang ko
Siguro nga ay para lamang ibigin ang isang
Binibini na nababalutan ng mga anghel sa paligid
At nagdudulot ng sayang nakakaparalisa
Nagpapasalamat ako sa itaas
Dahil 'pinakilala ka Niya sa 'kin
Sana ay 'di, 'di-di-di, 'di ka na Niya kunin sa 'kin
Dahil 'di ko kakayanin
Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin sa iyo
'Di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya 'ko sa 'yo
Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin sa iyo (handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin)
'Di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga (ooh)
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya 'ko sa 'yo
Masaya 'ko sa 'yo, masaya 'ko sa 'yo