Choose a track to play
Whoa
Yeah, yeah, yeah
Tsa-ha-ha-ha
Whoo, Ex B!
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago (whoa)
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago (whoa)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (whoa)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo (oh)
Dahil sa 'yo sa kalokohan natigil ako
Sa titig mo tinablan at napa-ibig ako
Parang alipin mo 'ko kung iisipin
Kaya kahit sabihin niyo pang naging makitid ako
Isa lang ang ibig sabihin, nahihiya mang amining
Ang dating hindi seryoso, ngayon, gusto kang kapiling
Hindi na mahalaga kung ano man ang past mo
Kapag kasama ka para bang araw-araw Pasko
Dapat sa 'kin ka lang, baby, 'wag mag-alangan
'Di ako mahihiya na tabihan ka kahit pa saan
Wala akong pakialam sa kanila at tandaan
Kung bakit nagmahal uli ako, ikaw ang dahilan
Bakit ba gano'n unti-unti nang nagbabago?
'Yong dating ikaw at ako para bang mas naging klaro
'Tsaka ko na susugal kahit ga'no kalabo
Dahil 'kaw nagbigay liwanag parang Meralco
Hindi na kayang itago pa kaya 'wag ka nang magtaka
Kung ba't biglang nagbago no'ng nagkakilala tayong dalawa
'Di na 'ko nagloloko, dahil lamang 'yan sa 'yo
Mga bisyong iniwanan at kinalimutan ko
Ang laki ng pinagbago ko
No'ng dumating ka sa 'kin, do'n lang ako nabuo
Naging malapit 'yong dating akala ko malayo
Ah, basta kapag kasama kita masaya 'ko
Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago (whoa)
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago (whoa)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (whoa)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo (oh)
'Di na kailangan na babantayan mo pa 'ko (hey!)
Tapat ako palagi at wala 'kong tinatago (hey!)
Makakaasa ka sa 'kin na hindi 'to mapapako
Lagi kang kakantahan kahit na mangawit ang panga ko (oh, yeah)
Mamahalin ka't 'di magsasawa na sa 'yo lagi na ipaalala
Kung pa'no iningatan ka no'ng una, no'ng una pa lang kitang nakilala
'Di ko na kailangan na sabihin pa kasi dapat kong ipadama sa 'yo
Na maniwala ka at mas palalimin pa para mas pa-ibigin ka
Wala nang dapat isipin, sobrang saya ko sa piling mo
Kung bakit umibig ulit ako, ikaw ang dapat sisihin ko
Simula no'ng makita kita 'saka ko nakita na magka-iba (hey, baby)
At mas madaling magbigay halaga kaysa magpasaya
Ihahatid kita kahit na ga'no kalayo
Hanggang sa harapan ng inyong bahay (oh, yeah)
Magmamano pa 'ko lagi sa 'yong nanay (blessed)
At hindi rin ako tatanggi kay tatay, kada bigay ng tagay (shux)
Mag-text o tawag ka kapag kailangan mo 'ko (brrt)
Kahit alas-tres nang madaling araw pa, seryoso
Ano ba'ng pinakain mo? Bakit nagkagan'to 'ko?
Sa 'yo lang ako nakaranas na maging seloso
'Lang hiya, baka mahal na nga kita (hey!)
At 'di ko na 'yon ikakaila (oh, yeah)
Buti na lang, baby, ay akin ka (hey!)
Akin ka
Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago (whoa)
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago (whoa) (oh)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (whoa) (hey, hey, hey)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo (oh)
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa (A-A-A-Ano? A-A-A-Ano?)
Ano ba'ng nangyayari sa mundo? (Mundo)
Parang hindi na tama kasi parang ang gulo
Gusto kang alagaan ng taong 'di mo gusto
Habang sinasaktan ka lang naman ng taong gusto mo
Kaya takot na 'ko na magmahal pa kasi nasaktan na
Parang wala na 'kong ibang gusto kung 'di kumanta
Kala ko wala na 'kong pag-asang makalasang kiligin
Pero sumugal pa rin kasi nandiyan ka
Napakadali mong mahalin at sa 'yo ko rin
Naranasan na maging masaya kahit 'di hilingin
Wala nang dapat hintayin pa kasi dumating ka (oh)
Sa wakas ay naranasan ko uli na kiligin pa (oh, 'le)
Dahil sa 'yo, nag-iba ang mundo ko (nag-iba)
Dahil sa 'yo, naging bago ang yugto (nagbago)
Dahil sa 'yo, nanibago na ako
Ba't ako sumasaya? Ngayon, ako'y nalilito, ba't gan'to? (Bakit?)
Ibang-iba na aking tawa (tsa-ha-ha-ha)
Ngayon sa 'yo lang tumatawag (ring, ring)
Dati paiba-iba nang sinasama (-sama)
Ngayon ay 'di na kaya, ikaw lang mula umaga
Lagi nang nag-aabang, same spot, by a long shot
Nasa'yo ang kiliti parang G-Spot (yeah)
Ikaw ang queen, ako'y alipin mo sa palace (palace)
Magsisilbi sa 'yo hanggang buhok ko ay malagas
Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago (whoa)
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago (whoa)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (whoa)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo (hey, hey)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago (dahil sa 'yo)
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo (whoa)
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo (yeah, yeah)
Dahil sa 'yo, ang buhay ko ay nabago (dahil sa 'yo)
Dahil sa 'yo, nagmahal kahit malabo (dahil sa 'yo)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (whoa)
Sabihin man nila na 'di puwede't malabo (oh)
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa
Oh, whoa, oh, whoa