Verse 1
Bata man tawagin, paslit o chikiting
Sa murang gulang na ito may pagtingin na sa iyo
Unang araw sa eskwela'y nang ika'y aking makita
Swerte at ika'y katabi ko pa
Verse 2
'Di man makatingin, kunwari'y di namamansin
Kapag ako'y iyong nahuli, sa ere na titingin
Dapat mo bang malaman ang puso kong nanlalambing
Oh anong aking gagawin?
Chorus 1
Kahit na ika'y liliparin na ng hangin
Hugis mong mala-kawayan, ok lang sa'kin
Sa liit kong ito'y handang iyong maging alipin
Kaya sana'y pansinin, my forever, lovey-dovey, Jusepin
Verse 3
Pilit ko mang itanggi, katawa'y nagpipigil
Sa t'wing tayo'y naglalaro, ang bawat kilos ko't galaw iba ang sinasambit
Hahawakan, hahagkan, may konting hipo at haplos
Ako na ang taya hanggang matapos
Verse 4
'Di ko maintindihan. 'di ko maiparating
Na ang magpakailanman yan ang aking hinaing
'Di sapat na ikaw ang Muse at ako ang iyong Prince Charming
Bet ko yung tipong kasal na natin
Chorus 2
Kahit na ika'y nangangamoy araw na
Mapa-""Boy Bawang"" man ang amoy ng 'yong hininga
Sa liit kong ito'y handang iyong maging alipin
Kaya sana'y pansinin, my forever, lovey-dovey, Jusepin
Chorus 3
Kahit itong hiling, tatangayin lang ng hangin
Ala-ala natin ay aking bibitbitin
At sa tamang panahon baka ako'y iyong ibigin
At masabi ko na rin, ako'y iyo, ika'y akin
You're my forever, lovey-dovey, Jusepin
Jusepin"