Choose a track to play
Wala nang hahanapin pa
Bakit titingin pa 'ko sa iba
Ikaw lang ang nagpatibok ng puso kong nangungulila
Binigay mo ang lahat sa akin
Nagtiwala ka at umibig
Ikaw ang nagbigay kulay
Sa buhay kong nangungupas
Oh giliw ko mahal kita
Mula ulo hangang paa
Anuman ang sasabihin nila
Na hindi ako karapat-dapat
Ang mahalaga'y tayong dal'wa
Ay nagmamahalan ng tunay
Sa hirap at sa ginhawa
Tayong dal'wa ang magkasama
Laging laman ng isip ko
Panaginip ko'y kapiling kita
Pangarap na kasama ka na
At mabuhay na mamahalin
Oh giliw ko mahal kita
Mula ulo hangang paa
Anuman ang sasabihin nila
Na hindi ako karapat-dapat
Ang mahalaga'y tayong dal'wa
Ay nagmamahalan ng tunay
Sa hirap at sa ginhawa
Tayong dal'wa ang magkasama
Pangako ko sa 'yo
Hindi kita sasaktan at ibibigay ang
Buong-buong pagmamahal sa iyo
Hindi kita bibiguin at ibibigay ang
Buong puso ko