Choose a track to play
Suma-sumasagi ba ako sa iyong isip
Ang kislap ng 'yong mga mata
Ay tila parang mahika
At sa bawat kumpas mo ay
Naglalaho aking lumbay
Sasaluhin mo ba ako
O sa semento lang ang aking diretso
Ligtas ba ang lumangoy
Sa katubigang hindi pa natukoy
Suma-sumasagi ba ako sa iyong isip
Suma-sumasagi ba ako sa iyong isip
Ano bang meron sa ngiti mong 'yan
Na sobrang nakahihibang
Ngunit parang mapanganib na 'to
Kung ganyan ang mga titig mo
Sasaluhin mo ba ako
O sa semento lang ang aking diretso
Ligtas ba ang lumangoy
Sa katubigang hindi pa natukoy
Suma-sumasagi ba ako sa iyong isip
Suma-sumasagi ba ako sa iyong isip
Oh, meron bang katotohanan
Ang mga kilos mo't salita
Oh, meron bang kahulugan
Ang kaba, kaba, kabang nadarama
'Wag naman sanang maging
Palaisipan, palaisipan
(Sa t'wing, sa t'wing ika'y nakikita)
Sawang-sawa na 'kong
Maki-makipaghulaan
Makipaghulaan
Nagparamdam
Ta's maglalaho naman
Oh yun pala pala-palaisipan
Suma-sumasagi man lang ba 'ko sa 'yong isip
Suma-sumasagi ka palagi sa 'king isip