Choose a track to play
May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
No'ng ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
No'ng ako'y naging binata, sa erpat ng siyota ko
Ngayon ay may asawa at mayro'n nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala
Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kuwarto?
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil 'di nakapagtapos
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo, oh
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
(Maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala, hey (konting gusot dumadami)
Sa maling akala, oh (maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala (konting gusot dumadami)
Sa maling akala, uh, uh, uh (maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala, oh, yeah (konting gusot dumadami)
Sa maling akala (maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala (konting gusot dumadami)
Sa maling akala (maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala (konting gusot dumadami)