Tinatanong ko dati ang sarili ko
Ba't nanatili sa bagay na 'di ko gusto
Nagbago at nagtago sa iba't-ibang mukha
Kada pikit, 'di ko pa rin makita at
Nawawala
Ang sarili ko
Akala ko noon
Hindi na 'ko sapat
Hanggang dumating ka na sa 'kin
At sa'yo natutunan
'Di kailangang masaktan
'Di mahihirapang mahalin ka
Parang paghinga (hindi mapipigilan)
Sa gitna ng mga alon
Ikaw ang aking sagwan
Ikaw ang saglit na walang hangganan
Dahan-dahang bumalik ang mga ngiti
Walang tanong, mga sagot ay nasa 'yo lagi
Sa init ng iyong yakap muling naniwala
Na may taong kayang manatili't 'di
Mawawala
Kahit lumipas ang panahon
Hindi na maliligaw sa sariling mundo
Ikaw ang tanging meron ako
At sa'yo natutunan
'Di kailangang masasaktan
'Di mahihirapang mahalin ka
Parang paghinga (hindi mapipigilan)
Sa gitna ng mga alon
Ikaw ang aking sagwan
Ikaw ang saglit na walang hangganan
Lahat ng sugat ay biglang naglaho
Hindi na kailangan pang tumakbo papalayo
Lahat ng kaba ay biglang naglaho
Hindi na kailangan pang umikot papalayo
At sayo natutunan
'Di kailangan masaktan
'Di mahihirapang mahalin ka
Parang paghinga