Choose a track to play
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na tara na
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na tara na
Nakakasawa na bulok nating sistema
Nakakasawa na ang puro ngawa
Nakakasawa ng nakatunganga
Wala na tayong nagagawa
Ipagpatuloy na natin ang ating nasimulan
Muli nating ibalik ang dating samahan
Tama na ang kaguluhan
Tama na ang patayan
Tama na ang nakawan
Isipin natin ang sakripisyo ng nakaraan
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na tara na
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na...
Kapatid muli nating awitin
Himig ng pagkakaisa
Sa isip, salita at sa gawa
Saan mang dako tayo mapunta
Muli nating awitin
Himig ng kapayapaan
At sa ating paglalakbay
Itanim sa puso't isipan
Na tayo ay isang bansa
Perlas ng silanganan
Na may isang Diyos na sinisinta
Kung di tayo kikilos
Sino ang gagawa
Kung di tayo makikinig tayo din ang masisira
Kapatid ikaw at ako'y liwanag nitong mundo
At ang kailangan ng bansang ito'y
Si Kristo
Si Kristo
Si Kristo
Si Kristo
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na tara na
Tayo na't muling bumangon
Simulan nating umahon
Panahon na, sulong na...
Pilipinas...
Pilipinas...
Pilipinas...