Choose a track to play
Siguro nga masyadong mabilis
Ang pagyanig
Ng puso ko
Para sa puso mo
Siguro nga ako ay makulit
Ayaw makinig
Sa takbo ng isip
‘Di ko maipilit
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa iyong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
Maaaring kinabukasan
Ay iba na
Ang ihip ng iyong ninanais
Ngunit maari bang kahit
Pansamantala
Ikaw muna'y maging akin
Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa iyong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
Hindi man ako
Nilagay sa mundong ito
Para sa ‘yo
Para bang nakatingin
Ang buong daigdig
'Pag ako'y yakap-yakap mo
Oh...
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng mga tala'y kitang-kita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala...
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala
Tala…wohh…
Tala…ohh…