Choose a track to play
Tahimik ka na naman
Habang nakatulala sa kawalan
Saan ko ba sisimulan
Upang malaman mo ang mga dahilan
Kung bakit tayo humantong dito
Ano nga ba ang puno't dulo
Sana'y pakinggan mo ako
Kailangan kailangan
Kailangan ko munang umatras
At mag-iba ng landas
Matagal na matagal na matagal na
Akong lumalaban
Ngunit laging talunan
Pero baka sa ‘king pagsuko
Ako naman ang manalo
Kaya't paalam muna mahal
Sana ito'y ‘yong maintindihan
‘Di mo ba napapansin
Unti-unting naglalaho dating pagtingin
Nakakalungkot isipin
Na baka ito na ang huling pag-uusap natin
O pa'no tayo humantong dito
Wala naman ‘to sa ‘ting mga plano
Litong-lito na ako pero
Kailangan kailangan
Kailangan ko munang umatras
At mag-iba ng landas
Matagal na matagal na matagal na
Akong lumalaban
Ngunit laging talunan
Pero baka sa ‘king pagsuko
Ako naman ang manalo
Kaya't paalam muna mahal
Sana ito'y ‘yong maintindihan
Paalam
Kailangan kailangan
Kailangan ko munang umatras
At mag-iba ng landas
Matagal na matagal na matagal na
Akong lumalaban
Ngunit laging talunan
At baka sa ‘king paglisan
Masagot ang mga katanungan
Kaya't paalam muna mahal
Sana ito'y ‘yong maintindihan
Paalam muna