Kay tagal nilihim
Nilalaman ng damdamin
Naitanong pa sa sarili ko
Puso ko ba ay depektibo
Ibinaon nang kay lalim
Liwanag ko'y itinago sa dilim
Dahil ang itim ay para lang sa puti
Nakikita ko'y bahaghari
Puso ay 'di ko madiktahan
Kung hindi niyo pa tanggap
Sana ay maintindihan
'Di ko pinipiling ibigin ang iniibig ko
Kasalanan ba kung nagmamahal lang ako
Hmm
'Di naman sinasadya
Ang mahulog sa isa't isa
Sadya lang na pinag-isa
Ang puso ko at puso niya
'Di man pangkaraniwan
Pagmamahal ko'y walang hangganan
Dahil ang itim ay 'di lang para sa puti
Pag-ibig ay bahaghari
Puso ay 'di ko madiktahan
Kung hindi niyo pa tanggap
Sana ay maintindihan
'Di ko pinipiling ibigin ang iniibig ko
Kasalanan ba kung nagmamahal lang ako
Ooh ooh
Nagmamahal lang ako
Ooh ooh
Nagmamahal lang
Dahil ang itim ay 'di lang para sa puti
Pag-ibig ay bahaghari
Oh pag-ibig ay bahaghari
Oh pag-ibig ay bahaghari
Puso ay 'di ko madiktahan
Kung hindi niyo pa tanggap
Sana ay maintindihan
'Di ko pinipiling ibigin ang iniibig ko
Kasalanan ba kung nagmamahal lang ako