Choose a track to play

Pipiliin ko ang magpuri sa Iyo
At magtiwala sa Iyong kaparaanan
Maghihintay sa 'Yo, aking Panginoon
Kailanma'y hindi ako pababayaan
Higit sa sitwasyon at suliranin
Ang Iyong dakilang Ngalan
Sa gitna ng bagyo, aawitan Kita
Sa lungkot at sa saya, pupurihin Kita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat
Mabuti Ka, oh Diyos, sa habang panahon
Katapatan ay hanggang sa kalangitan
Ang biyaya Mo ang siyang kailangan ko
Kailanma'y hindi ako iiwan
Higit sa sitwasyon at suliranin
Ang Iyong dakilang Ngalan
Sa gitna ng bagyo, aawitan Kita
Sa lungkot at sa saya, pupurihin Kita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat
Maglaho man ang langit at lupa
Manatili ang Iyong mga salita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat
Whoa, sandigan
Saan manggagaling ang tulong ko?
Ang tulong ko'y nagmumula sa Iyo
Hindi mabibigo at 'di mapapahiya
Sapagkat Ikaw ang Diyos na tapat
Saan manggagaling ang tulong ko?
Ang tulong ko'y nagmumula sa Iyo
Hindi mabibigo at 'di mapapahiya
Sapagkat Ikaw ang Diyos na tapat
Sa gitna ng bagyo, aawitan Kita
Sa lungkot at sa saya, pupurihin Kita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat, whoa
Maglaho man ang langit at lupa
Manatili ang Iyong mga salita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat
Sa gitna ng bagyo, aawitan Kita
Sa lungkot at sa saya, pupurihin Kita
Ikaw, oh Diyos, ang matibay na sandigan sa lahat