Choose a track to play

Nais kong makita
Ang ning ning ng iyong mata
Kaakit akit siya
Puno pa nga ng pag-asa
Bakit ngayon ikaw ay
Umiiyak at nagluluha
Namamaga pa nga
At sarado ang iyong mata
May blackeyed ka pa nga
At sabog ang kilay magkabila
Sinapak ka na naman
At hindi ka pa rin nakapalag
Ha porselena
Sana'y masilayan ko
Kay ginaw mong mga labi
Kapag ika'y ngumingiti
Ang problema ko ay napapawi
Bakit noon nakita ko
Putok putok ang bunganga mo
Pulang pula pa nga
Ang ngipin ng postiso mo
Punasan ang dugo
Sa benti at sa labi mo
Sinampal ka pa
At walang awang nagkapasa
Ha porselena
Kay sarap naman
Kutis ng iyong katawan
Makinis pa at walang
Piklat wala porselena
Ngunit mukha yatang
Porselana rin ang ibinato
Dyan sa utol ko
Ikaw lang ang sumalo
Ginulpi ka pa dahil sa pagtatanggol
Sinapak ka na naman
At tinadyakan ng erpats ko
At ginulpi ka naman ni ama