Elige una pista para reproducir
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika'y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Wag mo akong titigan ng ganyan
Baka matunaw aking mga kalamnan
Alam mo naman na kapag ikaw ang katabi
Ako'y nanlalambot at hindi mapakali
Ang ibig sabihin sakin ng mga titig mo
Ako ay may pag-asa na ikaw ay mapaibig ko
Pero sana hayaan mo muna akong bumwelo
Wag mo akong pangunahan sapagkat ako'y torpedo
Isa ang sinisiguro na pag ika'y sumama
Lahat ng karanasan magaan pa sa alapaap
Ako'y magsisilbing gabay sa daang tinatahak
Puso mong sugatan di na dadagdagan pa ng lamat
Malawak na mundo ay ating iikutin
Mga masasayang ala-ala ating iipunin
Walang sandali na malulungkot ka saking piling
Halika na sa paraiso ng pag-ibig natin
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika'y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Wag mo naman sabihin na nagbibiro
Ang hangarin ko't intensyon sa iyo ay totoo
Kahit saglit ay nais kong iwan muna ang mundo
Na kasama ka kalimutan muna ang gulo
Ng realidad lahat ng bigat
At sa balikat mo ay kaakibat mag buhat
At Lahat ng pangarap natin ay matutupad
Nang magkasama at walang makakabuwag
Ako'y dating duwag ngunit nagkaron ng tapang
Nang ipinaramdam mong kasama kang lalaban
Mas pinabuti mo ang taong dating ako
Kaya hayaan mo akong makabawi sayo
Hawak iyong kamay habang maglalakbay
Kasiyahan na dulot mo ay walang kapantay
Tayo'y magkaakbay kapwa inspirasyon
Hanggang makarating tayo sating destinasyon
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika'y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika'y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang