Elige una pista para reproducir
Ibinigay ko na sa 'yo ang iyong kagustuhan
Ang pagmamahal sa 'yo ay 'di naman nagkulang
Bakit 'di mo pinansin ang aking kabutihan
At ang iginanti pawang kalungkutan
Ba't may iba ka na huwag mo nang ipaglihim pa
At sa gabi 'pag wala ka marahil kasiping mo siya
Ako ngayo'y nagtatanong kung ano ang mayro'n siya
Na wala sa 'kin liyag sagutin mo ako sinta
Ano ba ang mayro'n siya na wala ako
Labis ba siyang mapagmahal kaysa sa puso ko
Ano ba ang mayro'n siya at siya ay ginusto mo
Ako'y 'di mapalagay sabihin mo ang totoo
Ano ba ang mayro'n siya na wala ako
Init ng yakap niya mas mainit ba sa yakap ko
Labis bang kabanguhan ang sa kanya ay nasamyo
Kulang ba o kulang pa ang pag-ibig ko sa 'yo