Elige una pista para reproducir
Gusto ko ng politiko na tunay sa laban,
'Di manloloko't magnanakaw sa kaban.
May puso sa masa, at tunay na makabayan,
Hindi trapo't hindi nanlalamang.
Solusyon, hindi pabango lang,
Responsable't totoo at patas kung lumaban.
Boto mo, ay sa iyo
'Wag mong ipagbili ng iilang piso
Dahil para mo na rin sinayang ang bukas
Na para sa ikauunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Tama na ang drama, tigilan ang fake news,
Maging mapag-matyag and don't get abused.
Bawal na dapat ang maging mangmang,
Anong mas gusto mo? Umayos o manatili sa laylayan?
Ang Boto mo (ang boto mo) ay sa iyo (ay sa iyo)
'Wag mong ipagbili ng iilang piso
Dahil para mo na rin sinayang ang bukas
Na para sa ikauunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Ang balota'y di binibenta, ang prinsipyo ay walang presyo,
Maawa ka sa kapwa mong Pilipino,
Iilan lang ang nakaangat, kung pwede naman ito sa lahat.
Dapat and Boto mo, ay sa iyo
'Wag mong ipagbili ng iilang piso
Dahil para mo na rin sinayang ang bukas
Na para sa ikauunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Mahal mo ba ang bayan mo? (mahal mo ba ang bayan mo)
Sumagot ka ng totoo (sumagot ka ng totoo)
Mahal mo ba ang bayan mo? (mahal mo ba ang bayan mo)
Sumagot ka ng totoo
Boto mo ay sayo...
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, (boto mo) ah ay sa iyo (ay sa iyo)
Para sa ika uunlad ng Pilipinas
Bo bo boto mo, ah ay sa iyo
Para sa ika uunlad ng Pilipinas