Elige una pista para reproducir
Oh, oh
Oh, oh (it's Chriilz)
Namamanhid na sa ginaw at wala ng init
Alam kong pati ikaw, 'di na matahimik
Puso ay sumisigaw, 'di na kaya ng isip
Ayaw ko nang iligaw, bakit ipipilit?
Kung said na ang lahat, lahat ng pag-ibig
Ako na'ng maglalakas ng loob, itigil
Ng isang sakit na lang at isang isipin
Kailangan lang naman natin marinig, sabihin na (oh)
Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan? Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh
Nag-alala na lamang, ang pagmamahal ay wala
Nagpapakatapat sa ngalan ng kapayapaan ng utak, ah
'Yaw na kitang hilahin palapit, sabihin mo nang tinutulak
Kaysa parehong malubog pa sa lusak ng mga sagutang 'di kaya ng usap
Kasi 'sang katutak na ang dahilan
Sa halip na mali ang hanapin, 'yong makakabuti sa atin
Ay puwede din natin makita kung 'di na tayo magkikita
Kasi sa aking palagay ay wala nang pahinga, makakaalis na'ng bigat
Makinig ka, baka 'yong pagkakalas natin sa 'ting dalawa
Ay hindi naman makakasira kasi
Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan? Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh
Kahit na isang beses lang (oh)
Kahit na isang beses lang (oh)
Ako ba'y iyong pakikinggan?
Isang beses lang para maliwanag
Sa dami ng maling nangyari (whoa)
'Di ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan? Kasinungalingan (oh)
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh