Elige una pista para reproducir
Sa lahat ng nakilala walang hihigit sa 'yo
Nasa sa 'yo ang katangiang hanap ng damdamin ko
Gagawin ko ang lahat upang paniwalaan mo
Na ikaw ang hanap-hanap ko
Hinding-hindi ka magsisisi oh aking mahal
Patutunayan ko sa 'yong wagas ang pagmamahal
Ang pagsuyong iaalay ko ay walang katapusan
Tanging ligaya'y iyong makakamtan
Ibang-iba ako kung magmahal
Ang lahat sa buhay ko ay para sa iyo lamang
Sa 'kin mo lang sinta madarama
Ang tunay na pag-ibig at walang kasingtamis na pagsinta

'Di na dapat mag-alala walang dapat ipangamba
Nasa puso ko'y ikaw lang at walang iba ha
Ibang-iba ako kung magmahal
Ang lahat sa buhay ko ay para sa iyo lamang
Sa 'kin mo lang sinta madarama
Ang tunay na pag-ibig at walang kasingtamis na pagsinta