Elige una pista para reproducir
Sinta, alam mo bang nakakaakit ka?
Sa tuwing ika'y nakakatitig sa'kin
Para bang matutunaw na
Oh, parang gabi ang 'yong tinig
Nakakahumaling, at bawat ngiti mo sa'kin
Para bang ako'y nasa langit na
Ano bang meron sa iyong mga mata?
At nasasabi kong pangarap ko ay mapasakin ka
Maharlika mong mata
Ang lagi kong nais makita
Oh sinta, pinapangarap ka
Ng puso kong hangang-hanga't
Nananalangin na sana'y mapasakin ka
Sinta, alam mo bang nasa panaginip ka?
'Di ko mawari bakit, ngunit puso natin
Ay pinagsama
'Di ko man masabi nang deretsahan
Kung ga'no ka kahalaga
Para bang ako'y nasa palasyo't
Ikaw ang aking prinsesa
Ano bang meron sa iyong mga mata?
At nasasabi kong pangarap ko ay mapasakin ka
Maharlika mong mata
Ang lagi kong nais makita
Oh sinta, pinapangarap ka
Ng puso kong hangang-hanga't
Nananalangin na sana'y mapasakin ka
Maharlikang mata
Nabihag na
'Di makawala
Sa hiwaga
Ng maharlikang mata
Aah~