Maraming nagsasabing ako raw balimbing
Na kung saan ang pera, doon ako pumupunta
Makapal ang mukha at wala nang hiya
Oh, kay sakit-sakit naman mga paratang nila
Balimbing, balimbing daw ako
Balimbing, balimbing daw ako
Balimbing, balimbing daw ako
Palit nang palit lalo sa puwesto ang bossing ko
Hindi nila naaalala, ako'y maraming natutulungan
Mahirap kong kaibigan, aming dinadamayan
May sakit man o patay, aming binibigyan
Tulong na galing kay bossing, lunas sa kahirapan
Balimbing, balimbing daw ako
Balimbing, balimbing daw ako
Balimbing, balimbing daw ako
Palit nang palit lalo sa puwesto ang bossing ko
At kung saloobin ko sana ay pag-isahin
Mga amo kong tunay, 'wag nang mag-away-away
Tayo'y magka-isa na at magsama-sama
Para sa 'ting bansa, mag-reconcile na