Elige una pista para reproducir
Itigil na sana ang pagkukunwari
aamin din naman pala bakit di pa ngayon sandali
Naliligaw na prinsesa sana'y mapansin mo ako
Paki-bigyan ng balanse ang hirap at gulo
Kaya't hawakan mo ang aking mga kamay
Sabay tayong magsasayaw hanggang ilaw ay mamatay
At iwanan mo muna ang mga problema mo
Isipin mo lang sana ang ikaw at ako
ito'y para sa dalagang nakita ko sa España
Ano ba ang nilalaman ng iyong mga ngiti
At sana ika'y mayaya kumain sa may Dapitan
kung gusto mo ay sa angkong o kahit dimsum treats
Basta't hawakan mo ang aking mga kamay
mga pangarap natin dalawa, aabutin ng sabay
at iwanan mo muna ang mga problema mo
isipin mo lang sana ang ikaw at ako
Sasabayan kita mag-aral mula gabi hanggang umaga
hanggang sa tayo'y tamarin o sa hanggang sa magsawa ka
Hindi ka iiwanan wag kang mag-alala
andito lang ako lagi sa lungkot at sa saya
Basta't hawakan mo ang aking mga kamay
doon sa may España 'di na tayo maghihiwalay
Kaya't paalam na muna at ingat sa pag uwi
magkita tayo sa España bukas hanggang sa muli
hmmmmm, hmmmmm