Elige una pista para reproducir
Hmm, oh
Bagay tayo, bagay tayo, oh
Epee blessed this beat (ayy)
'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko (oh), sa tuwing kasama kita (whoa, oh)
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo, bagay, bagay tayo
Bagay tayo, bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay
At lilipad na nang sabay, oh, oh (hold up, hold up)
Kanina ka pa kamo na tumatakbo
Dito sa 'king isipan, 'di ko mahinto
Tanging mga larawan mo ang gusto kong makita
Pagpikit ng aking mata sa panaginip ko
Ay mayro'ng tayong dalawa, ayoko namang maging pantasya lang
Kung puwede naman nating tuparin ng magkasama talaga
Tayo lang sa paraisong nakatadhanang
Mapa-ibig sa iyo, ano pa'ng hahanapin ko? Wala na (ha-ha)
Mata mong 'sing kinang ng tala sa taas
Ako'y nadadala, puwede ka bang mailabas?
Punta tayo sa lugar kung sa'n malayong magwakas
Ang kuwento nating dalawa, 'wag na nating ipagpabukas
Ayoko muling umalis ng mag-isa
Gusto ko sa 'king pagbalik ay kasama na kita
Alam mo bang takot na 'kong magmahal pa ng iba
Pero simula no'ng makilala ka'y nalimutan ko na
'Di na ako magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko (oh), sa tuwing kasama kita (whoa, oh)
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo, bagay, bagay tayo
Bagay tayo, bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay
At lilipad na nang sabay, oh, oh
Oh, alam mo ba na bagay tayong dalawa
Mahal na mahal kita, hindi ko lang talaga sinasadya (oh)
Lakas na kasi ng epekto ng kagandahan mo
'Di ko talaga inakala na magkakaganito ang tanging sarili ko
Sana'y pagbigyan mo na 'ko (pagbigyan)
'Di ko talaga matiis ang pagmamahal ko (pagmamahal)
Sa'n man tayo magtagpo (whoa), ako ay nandito (whoa)
'Wag ka mag-alala, basta kasama ka hanggang dulo
'Di na ako magdadalawang isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko (oh), sa tuwing kasama kita (whoa, oh)
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo, bagay, bagay tayo
Bagay tayo, bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay
At lilipad na nang sabay, oh, oh
Alam mong sa tuwing ika'y aking nasisilayan
Agad ng nawawala ang mga pagod ko
Palaging hinahanap ang tamis ng 'yong ngiti
Sa tuwing ako ay binabalot na ng takot ko
Ikaw ang dahilan kung bakit na patuloy na
Ginagawa ang mga bagay kahit na magkamali
Tanging sa 'yo lamang 'to maniniwala kahit na
Madami diyan na kung ano-ano ang pinagsasabi
Susulitin mga oras na ikaw ang kausap
Kung makasama ka ay para bang na sa ulap
Hindi na nanaisin pa'ng muling makahanap
Ng iba kasi ikaw ang sumagot sa pangarap
'Di na makapagantay sa iyong pagdating
Basta't tatandaan mo lang, kahit saan makarating
Mayro'n nagsisilbing panata ang ikaw lang at ako
Pangako na kahit ano mangyari, hindi lalayo, yeah
'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko (oh), sa tuwing kasama kita (whoa, oh)
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo, bagay, bagay tayo
Bagay tayo, bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay
At lilipad na nang sabay, oh, oh
Alam mo ba kapag andito ka, bumibilis tibok ng puso at
Bakit ikaw ang laging na sa isip ko (na sa isip ko)
Pagmulat ng mga mata, ikaw ang hanap ko
Sa gabi ikaw ang na sa panaginip ko
Alam kong paulit-ulit na lahat ng sinasabi ko kasi
'Di ko mapaliwanag ang aking nadarama
Sana nga ay makasama na kita, upang makita mo
Kung paano ako magpahalaga, at mapakita na
Ikaw, ako, at walang iba ay bagay talaga
Kahit na ano mangyari basta't tayong dalawa
Ang magkasama, 'yon lang ang mahalaga
'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko (oh), sa tuwing kasama kita (whoa, oh)
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga
Bagay tayo, bagay, bagay tayo (bagay)
Bagay tayo, bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay
At lilipad na nang sabay, oh, oh (lilipad na ng sabay)
Ayy