Elige una pista para reproducir
Pababagsakin ka nila, papahirapan ng mga makapangyarihan
Lalo 'pag nasa baba ka nila, para ka lang langgam, madali na tapakan
Hihilahin ka nila hanggang mawalan ng pag-asa at makakapitan
Gan'to na ba ang kapalaran ng bawat isa?
Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
'Di mapipigilan, 'di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas
Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko, papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli
Gustong mangarap, hindi para sa sarili
Kundi para sa iba
Kahit mahirapan na gawin sa lipunang puro sakim
Pinipilit ko pa rin na abutin
Dahil ang bilin ni Nanay, panatilihin ang dangal
Ipaglaban ang buhay ng sino man
Kaya 'di ka pababayaan, ipaglalaban
Hahawakan ang kamay
Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
'Di mapipigilan, 'di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas
Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko, papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli
Hanggang kailan ba natin hihintayin ang batas na dapat maging patas?
Madalas kapalit salaping madumi, kailan ba 'to magkakalunas?
Pero kahit na gano'n, pinili pa rin lumugar at lumaban nang patas
Naniniwala pa rin sa paggising ko ay palaging may bago na bukas
Para sa pera, babaliktarin ka nila at wala ka nang maaasahan
Mga mata ay nagiging bulag at papaikutin ka sa mga palad
Nakatakip ang tenga na tila bingi ang lahat ng may kapangyarihan
Pero andito ako at lalaban para sa 'yo, 'di ka papabayaan
Kahit sino ay papalagan, aabangan, huwag ka lang nila masaktan
Handa ko na kalabitin ang gatilyo, para lamang sa iyo, hindi ako magaalangan
Kahit na malayo ang pagitan nating dalawa, estado natin magkaiba
'Di mapipigilan ng kahit na sino, basta makita kayong masaya
Alam ko na madaming pagsubok ang dadaan
Kahit na kamatayan man sa atin nakaabang
Kaya 'di ka pababayaan, ipaglalaban
Hahawakan ang kamay
Ako ay maninindigan para sa lahat
Kahit na alam ko na ang hustisya ay mailap
'Di mapipigilan, 'di titigilan
Ilalaban ko pa rin hanggang wakas
Hindi ko isusuko (para sa lahat)
Kahit na malabo pa (may ganti na katapat)
Hindi ko isusuko, papaluhurin ang nang-aapi
Ipaglalaban kita hanggang sa huli