Elige una pista para reproducir
Nahuhulog na pala
Mga dahon ng alaala ng nakaraan
Nakalatag na sa 'ting daan
Nalulunod na pala sa oras
At kahit pa bali-baliktarin
Ang agos ay nakakulong pa rin
Sumasabog na ang mga bituin
Maaari bang tanungin?
Kung maabot man natin ang hanggan
Tatalon ka ba? Kasi ako
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
Mawala man sa gitna ng gulo
Ay hahawakan ang iyong kamay
Tayo ay sabay na lalakbay
Sa kalawakan na magsisilbing tulay
Tungo sa ugnayan ng ikaw at ako (ikaw at ako)
Tatalon nang sabay (hey)
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
Tubig nasusunog
Hangin nananakal
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Ulap nalulunod
Araw giniginaw
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling-
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali