Elige una pista para reproducir
Saan na ‘to patungo
Hindi ko na kasi alam
Hinahanap ang sagot sa bakit
Hindi ko na kasi alam
Hindi ka na nakikinig
Hindi ka na kinikilig
Hindi ka na natutuwa
‘Pag may pasalubong na isaw
Nagbago na ang lahat sa ’yo
Nagbago na ang lahat pati ang tayo
Nagbago na ang ‘yong tingin
Ang ‘yong ngiti
Ang ‘yong nararamdaman
Ang gusto ko lang naman
Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Maiintindihan naman kita
Kung sawa ka na, kung sa’n ka sasaya
‘Wag kang mag-alala
Oks lang ako
Oy salamat nga pala
Sa mga sandali nating masaya
Unti-unti na rin akong bibitaw
Kahit ako na lang ang sasayaw
Kasi malabo na ang lahat sa ‘yo
Malabo na ang lahat pati ang tayo
Malabo na ang ‘yong tingin
Ang ‘yong ngiti
Ang ‘yong nararamdaman
Ang hinihiling ko lang naman
Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Naiintindihan naman kita
Kung talagang sawa ka na
Kung mas sasaya ka sa iba
‘Wag mo na akong isipin pa
Handa na ‘kong kalimutan ka
Oks lang ako
Dito lang ako, woahh
Okay lang ako