Elige una pista para reproducir
Kapag ika'y nalulungkot
At tila hirap nang bumangon
Kapag daigdig ay kay lupit
At panalangin ay di naririnig
Tandaan mo
Ang sinabi ng kasulatan
Si Hesus ay nagdusa
Sapagkat mahal ka niya
Bagamat Siya'y banal
Inihandog Niya ang buhay
Upang matamo ang kaligtasan
At ligayang walang hanggan
Kapag ika'y nanghihina
At tila nawaglit ang pag-asa
Pagsubok at kalungkutan
Mga pasaning di maunawaan
Tandaan mo
Ang sinabi ng kasulatan
Si Hesus ay nagdusa
Sapagkat mahal ka niya
Bagamat Siya'y banal
Inihandog Niya ang buhay
Upang matamo ang kaligtasan
At ligayang walang hanggan
Ang landas ay makitid at matuwid
Na dapat nating tahakin
Bagamat pagsubok ay hindi madali
Nguni't tutulungan Niya tayong makauwi
Tandaan mo
Ang sinabi ng kasulatan
Si Hesus ay nagdusa
Sapagkat mahal ka niya
Bagamat Siya'y banal
Inihandog Niya ang buhay
Upang matamo ang kaligtasan
At ligayang walang hanggan