Elige una pista para reproducir
Simula ang lahat sa pasensya
Tayo ay nagpasensya, pagkat hindi na kayang
Ituloy pa ang ating istorya na malapit nang magtapos
Nararamdaman na natin ang paalam
Ang tanging hiling ay iyong pag-amin
Gusto ko lang na malinaw satin ang lahat
Kahit sa huling pagtatapat
Maririning sating pag-amin mga patawad at pagkukulang
Di na mababalik
Di na tayo nasasabik
Ilang linggo ang lumipas na walang pansinan
Ako'y hindi mapakali
Ilang umaga narin at gabi ang lumisan
Wala ka sa aking tabi
Hindi narin ako nakatiis lakas loob na akong pumunta sayo
Kung saan ka man naroroon
Pwede bang tayo parin
Ang tanging hiling ay iyong pag-amin
Gusto ko lang na malinaw satin ang lahat
Kahit sa muling pagtatapat
Maririning sating pag-amin mga patawad sa pagkukulang
Ating ibabalik
At muli tayong masabik
Siguro naman karapatdapat lamang
Tayo ay magharapan at nang magkarinigan
At tayong dalawa'y magkaroon ng chansang
Ibalik ang pinag samahan
Ulitin ang aminan
Inaamin ko marami akong pagkukulang
Dahilang kawalan ng tiwalang
Inipon nang pangmatagalan
Inaamin mong nanlalamig sa tuwing magkaaway
Nauubos ang pasensya at napagod kasama akong mabuhay
Inaamin natin na ganon ang nararamdaman
Dahilang kawalan ng pagmamahalan
Inipon nang pangmatagalan
Inaamin natin hindi talaga natin kayang
Mawala tayo ng tuluyan
Dahil marami pa tayong pagsubok na haharapin
At pagsasamahan
Kaya
Ang tanging hiling ay iyong pag-amin
Gusto ko lang na malinaw satin ang lahat
Kahit sa muling pagtatapat
Maririning sating pag-amin mga patawad at pagkukulang
Di na mababalik
Di na tayo nasasabik
Simula ang lahat sa pasensya
Tayo ay nagpasensya
Ituloy ang istorya