Elige una pista para reproducir
Minsan lang kita ilibre, bakit pa umaayaw?
Minsan lang tayo magsama, bakit pa naliligaw?
Minsan lang tayo magkita, bakit pa laging wala?
Minsan lang kita mayakap, ngunit sa isang iglap
'Di man tayo magkasama, lagi mo sanang tandaan
Na ikaw ang dahilan, bakit muli pang nagmahal
'Di man kita maramdaman, laging saglit kang pagmasdan
Ayos lang, minsan lang naman
Lagi ka na sa 'king isip, ba't minsan mo lang ako maalala?
Kahit sa panaginip tuwing ika'y naiidlip
Minsan lang tayo magkita, bakit pa laging wala?
Minsan lang kita mayakap, ngunit sa isang iglap
Wala na
Wala na
Paano pa ilalaban kung sa 'yo'y wala naman?
Diyos lang ang pwedeng bumihag sa puso kong palaban
Pero kung kailangan mo ng kausap, pwede mo 'kong tawagan
Minsan lang naman
'Di man tayo magkasama, lagi mo sanang tandaan
Na ikaw ang dahilan, bakit muli pang nagmahal
'Di man kita maramdaman, laging saglit kang pagmasdan
Ayos lang, minsan lang naman
Minsan lang naman
Minsan lang naman (minsan lang naman)
Minsan lang naman (minsan lang naman)
Minsan lang naman (minsan lang naman)