Elige una pista para reproducir
Kinikilig, habang nakatingin sila
Sa 'tin kasi magkadikit ating muka, oh
Mga bibig nati'y pareho ang buka
Ramdam ang init ng hininga at iyong buga
Iyong amoy binabalik-balikan
Kapag ikaw ay wala, damit mo'y hinahalikan ko
Aking Lakambini ako ang iyong Lakan
Aking paglalambing talagang sa 'yong-sa 'yo lang
Ang ganda mo'y hindi ko na makukubli (Makukubli)
Pag-ibig ko sayo'y hindi mabibili (Mabibili)
Ito'y handog na 'di kailangan ng sukli
Ako'y handang magpa-alipin at mas susulitin
Punta kahit saan man ang iyong bibig
Basta sa 'kin ka lang papanhik
Ito'y bigay at 'di kailangan ng balik
Ibig kong sabihin, sa ' kin ka lang hahalik
Sa 'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan ('Di ka na masasaktan)
Kahit na wala akong kalagyan
Kung 'di rin lang ikaw ay para sa'n? ('Di rin lang ikaw)
Dinadaan-daanan ka nila kahit libre ang alok
Kasi 'di nila makita kung ano ang iyong handog
Walang sinabi 'yung mga teatro na nagkalat sa Escolta
Ikaw ang kapitolyo at ako ang sampaguita
Ibuburda ang pangarap kahit malakas pa ang ulan
Dahil tanging nais lang pag-ibig mo'y maambunan
Kahit bagyo pa man 'yan salantahin at gibain
Hindi mapipigilan
Kaya p'wede ba na malaman
Kung anong kinalaman ng aking pangalan
Sa nadidinig, baka ay bulaan?
Lapit ka dito, 'wag iiling
Lakad bagito, heto piring
Hiling ng langit, ay tutuparin
Hiling ng langit ay tutuparin
Sa 'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan ('Di ka na masasaktan)
Kahit na wala akong kalagyan
Kung 'di rin lang ikaw ay para sa'n? ('Di rin lang ikaw)
Sa 'yo lang, magpakailanpaman
Pangakong 'di ka na masasaktan ('Di ka na masasaktan)
Kahit na wala akong kalagyan
Kung 'di rin lang ikaw ay para sa'n? ('Di rin lang ikaw)
Sa 'yo lang, magpakailapaman
Pangakong 'di ka na masasaktan ('Di ka na masasaktan)