Elige una pista para reproducir
'Yong kaharap ko sa salamin, iba na ang itsura
Binabagabag ng asido sa may sikmura
Na bumubula't umaakyat hanggang sa lalamunan
Tila bang mga karne sa loob ko ay may tampuhan
Kakaumay
Mga kalamnan ay nanghihina
Tulog na mahimbing ay swertehan at bibihira
Mga panga'y namamaga, ang dibdib ay masikip
Para na akong tanga sa paulit-ulit na kakaisip
Tumatanda lang ba, or is it something worse?
Maibabalik pa ba o 'di na mare-reverse?
Utak ko'y may parasitikong bumubulong na ang katotohana'y
Nandiyan lamang ang banta ni kamatayan
Katawang lupa na nabubulok (Katawang lupa na nabubulok)
Sulitin na ang sayaw
'Pagka't papalapit na ang huling nota ng tugtog
Katawang lupa na nabubulok (Katawang lupa na nabubulok)
Darating ang araw
Na ang istorya'y magwawakas sa huling tuldok
Munting kwento mula sa 'king kabataan
Tinamaan ng sakit sa bato at kinaawaan
Ng mga tao sa paligid ko no'ng kanilang nalaman
Walang lakas na makipaglaban habang pinagnanakawan
Ng karanasan, oras, enerhiya, at potensyal
Paraan ng pagtakas ay mga libangang dihital
Samahan pa ng hika na nandiyan mula pagkapanganak
Mahina ka: itong ideya'y matagal nang nakatatak
That is not to say na hindi ako nagpapasalamat
Na lumipas ang oras at lahat sila ay nagpaawat
Pero nagkalamat ang katawang 'to at kumpiyansa
Mga takot ko'y nagkakaroon nanaman ng tiyansa
Pakiramdam kong ako'y nagkakasakit ulit
Sabi niya sa akin, "Pre, ako'y nagbabalik!"
Utak ko'y may parasitikong nangungulit, inaantabayanan
Ang ngiti at ang dalaw ni kamatayan
Katawang lupa na nabubulok (Katawang lupa na nabubulok)
Sulitin na ang sayaw
'Pagka't papalapit na ang huling nota ng tugtog
Katawang lupa na nabubulok (Katawang lupa na nabubulok)
Darating ang araw
Na ang istorya'y magwawakas sa huling tuldok
Oras na rin yata para ito'y mapagtanto
Gusto ko lang mamuhay nang wasto at itama naman ang lahat nang 'to
Nagbubunga na siguro ang lahat ng kapabayaan
Alipin ng mga tawag ng laman, kalusugan ay 'di pinahalagahan
Sa mundong ito, kamatayan lang ang mayro'ng katiyakan
Ayaw kong lumisan nang walang ambag sa aking bayan
Sa mga pagninilay na gan'to, 'wag umiwas at magtago
Gamitin mo ang konsepto ng mortalidad upang magbago
Gamitin mo ang konsepto ng mortalidad upang magbago
Gamitin mo ang konsepto ng mortalidad upang magbago
Gamitin ang lahat ng kakayanan bago maglaho
Katawang lupa na nabubulok (Gamitin mo ang konsepto ng mortalidad upang magbago)
Sulitin na ang sayaw
'Pagka't papalapit na ang huling nota ng tugtog (Gamitin ang lahat ng kakayanan bago maglaho)
Katawang lupa na nabubulok (Gamitin mo ang konsepto ng mortalidad upang magbago)
Darating ang araw
Na ang istorya'y magwawakas sa huling tuldok (Gamitin ang lahat ng kakayanan bago maglaho)