Elige una pista para reproducir
Ilang beses kang sinayang at nasaktan nang 'di sinasadya
Dahil no'ng natuto ako'y huli na
Kita naman ngayon sa iyong ngiti na ikaw ay masaya
Ang landas nating dalawa'y iba na
Gayunpaman, ang puso ay mapayapa
Dahil alam kong sa dulo ng hanggana'y kasama kita
Nakalaan sa kabilang dako
Naniniwalang merong mundo
Na magkasama tayong muli
Sa pangmilyong ulit ng kalawakan
Mga sariling pinagdaanan, ginawang dahilan upang
Kalimutan ang iyong kapakanan
Magmula no'ng ika'y bumitaw, gumaan ang takbo ng iyong buhay
Mas matingkad na ang taglay mong kulay
Merong daigdig kung saan ay tayo
Gabi-gabing nararanasan sa panaginip ko
Nakalaan sa kabilang dako
Naniniwalang merong mundo
Na magkasama tayong muli
Sa pangmilyong ulit ng kalawakan
Isasapuso ang lahat ng leksyon
Para sa ating muling pagkikita
Sa susunod na sansinukob
Nagsasayaw nang magkayakap
Isasapuso (Mga sariling pinagdaanan)
Ang lahat ng leksyon (Ginawang dahilan upang)
Para sa ating muling pagkikita (Kalimutan ang iyong kapakanan)
Sa susunod (Kita naman ngayon sa iyong)
Na sansinukob (Ngiti na ikaw ay masaya)
Nagsasayaw nang magkayakap (Ang landas nating dalawa'y iba na)