Mahirap magmahal kung wala kang budget
Kaakibat kasi ng pagmamahal ang pera
Kung wala kang pera ay ewan ko lang sa 'yo
Kung hindi ka kaya iwanan ng iniibig mo
'Di mo ba alam na ang pera ang sikat ngayon?
Ito ang bida sa lahat ng pagkakataon
Kaya kung ang puso mo'y 'di na mapalagay
Upang mapabilis ang pakay, mangutang ka sa bumbay, aray
Napakamahal ngayon ng pag-ibig
Trending 'yan ngayon sa ating daigdig
Kaya kung wala kang budget
'Wag ka munang maghahanap ng ka-date
Mag-solo ka muna, hanap muna pera
Mag-solo ka muna, hanap muna pera, pera, pera, pera
'Pag may laman ang bulsa mo'y gaguwapo ka
Mabibighani sila't pag-uusapan ka
Kahit wala kayong ugnayan sa isa't isa
Feeling close agad basta't may pera ka
Mayro'ng price tag ang lahat kahit assorted pa
Pati generic at branded ay magka-level na
Kaya sa paksang pag-ibig, hindi tayo ligtas
'Ika nga, "Credit is good but we need cash pang-gas"
Napakamahal ngayon ng pag-ibig
Trending 'yan ngayon sa ating daigdig
Kaya kung wala kang budget
'Wag ka munang maghahanap ng ka-date
Tiis ka muna, hanap muna pera
Tiis ka muna, hanap muna pera, pera, pera, pera
Maaayos din ang problema kapag may pera ka
Cash-unduan ang galawan dito sa lupa
Kaya kung ang puso mo'y natuto nang magmahal
'Wag mo namang utangin ang iningatan niyang dangal
Nasabi mong mahal dahil siya'y iyong minamahal
'Wag ka nang tumawad pa para walang duda
Kung gusto kang makabawi't ayaw mong malugi
Puwede namang sabihing "Mahal, nasaan na ang sukli? Dali"
Napakamahal ngayon ng pag-ibig
Trending 'yan ngayon sa ating daigdig
Kaya kung wala kang budget
'Wag ka munang maghahanap ng ka-date
Mag-solo ka muna, hanap muna pera
Mag-work ka muna, hanap muna pera
Magtiis ka muna, hanap muna pera, pera, pera, pera lang