'Pag napagod ka sa buhay, 'di kailangan mag-isa
Mata mo na mapupungay, sa 'kin mo ipahinga
Gagawin lahat maalis lang ang mga problema
Kahit na sandali, ipasa mo sa akin ang manibela
Ito ay dadalhin kung saan-saan
Negatibo'y alisin sa 'yong katawan
Yakap at halik ko na palagi ay mabisa
Kargado mong problema'y siguradong masisira, 'di ba?
Ako lang naman lagi, maaasahan mo na
Isang tawag mo lang ay agad makakapunta
Gamitin mo na 'yung "Bahala na si Batman"
Matulog ka muna, 'wag mong isipin ang kalaban
Tama na ang luha na 'di napipigilan
'Lika, hihiga kita dito sa may unan
Ni walang araw na hindi kita iniisip
Kaya ngayon, diyan ka muna mag-relax sa 'yong panaginip
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Tumatakbo sa hangin, lumalangoy sa bahaghari
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Nasa ibabaw ng bansa, mundo ay nakatitig
Maskara mo ay natatanggal na sa 'yong mata
Luha mo na pati ako'y nadadala
Kung pupuwede lang na ako na lang makakadama
Parang eksena, napanoood ko sa drama, tama na
Kaya nandito ako, nagsisilbing alipin
Kung sakaling magising, ika'y patutulugin
'Di ako sanay na 'di kita mapasaya
Magagawa ko lang ay punasan ang 'yong mata, ha
Ako lang naman lagi, maaasahan mo na
Isang tawag mo lang ay agad makakapunta
Gamitin mo na 'yung "Bahala na si Batman"
Matulog ka muna, 'wag mong isipin ang kalaban
Tama na ang luha na 'di napipigilan
'Lika, hihiga kita dito sa may unan
Ni walang araw na hindi kita iniisip
Kaya ngayon, diyan ka muna mag-relax sa 'yong panaginip
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Tumatakbo sa hangin, lumalangoy sa bahaghari
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Nasa ibabaw ng bansa, mundo ay nakatitig
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Tumatakbo sa hangin, lumalangoy sa bahaghari
Matulog, tulog ka na (ka na)
Tayong dal'wa magkasama sa 'yong panaginip
Nasa ibabaw ng bansa, mundo ay nakatitig
Oh (oh), oh, oh
Ikaw ay humiga lang
Ikaw ay humiga lang
Matulog ka lang, oh, oh
Ikaw ay humiga lang
Ikaw ay humiga lang
Ikaw ay humiga lang