Elige una pista para reproducir
Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan
Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
Magtampisaw sa tag-ulan ang kaligayahan ambunan
Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
Anomang dumating na problema dedma
Barya lang ang katapat ng tawang abot-tenga
'Di ko namalayan tumakbo yung panahon
Sa piling ng bawat kasabay kong mangarap noon
Bakas ng kapalaran ko
Nag-iisang sandata 'to
Bakas ng kapalaran ko
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Salamat sa samahan at sa alaala
Oh
Ganu'n pa din ang mundo naging makulay lang siya para sa 'kin
Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa
Magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin d'yan
Pagsubok sa piniling kapalaran parte 'yan
Saludo sa mga tropa na laging nand'yan
Dating ingay ng tahanan naging boses ng lansangan
Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata 'to
Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata 'to
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Salamat sa samahan at sa alaala
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis ('wag kang mangamba sa aking pag-alis)