Heto na naman tayo, nakatago sa dilim
'Di natin malaman kung ano ang gagawin
Mundong magkalayo, hindi mapagtagpo
Tadhana talaga'y sadyang mapagbiro
Hanggang kailan kaya puso'y mangangamba?
Maghihintay na lamang ba? (Maghihintay na lamang ba?)
Ano'ng mapapala kung mali ang simula?
Hiling ko'y makasama ka (makasama ka)
Hiniram ka lang, hiniram mo lang
Sa'n ba tayo nagkulang?
Sa bawat sandali, nagbabakasakaling
Ito'y panaginip lamang, ayoko nang malaman
Hiram na pagkakataon, hinubog man ng panahon
Kung maibabalik ko lang ang kahapon
Hiniram ka lang, hiniram mo lang
Sa'n ba tayo nagkulang?
Hiniram ka lang, hiniram mo lang
Hindi ba tayo mapagbibigyan?
Hiniram ka lang, hiniram mo lang
Sa'n ba tayo nagkulang?
Hiniram ka lang, hiniram mo lang
Hindi ba tayo mapagbibigyan?
Kahit na nasasaktan, patuloy kang minamahal
Sabihin mang nahihibang, patuloy kang hinihiram
Kahit na nasasaktan, patuloy kang minamahal
Sabihin mang nahihibang, patuloy kang hinihiram
Kahit na nasasaktan, patuloy kang minamahal
Sabihin mang nahihibang, patuloy kang hinihiram