Elige una pista para reproducir
Paano kung ang lalaking iyong nakita
Yung taong gusgusin sa lansangan
Ay gutom at ilang araw nang di kumain
Wala siyang tahanang matuluyan
Paano kung ang matandang kapitbahay
Yung malungkot at may sakit na babae
Kailangan ng gamot para gumaling
Ngunit walang perang pambili
Sino ang tutulong sa mga nangangailangan
Tayo ang kasagutan
Sa panalangin ng nagdurusa
Tayo ang biyaya
Sa mahihirap at nagugutom
Tayo ang matibay na kamay
Na umaalalay sa mahihina
Tayo ang salitang
Nagpapagaan sa nabibigatang isipan
Paano kung ang kaibigang nag-text sa'yo
Yung kaibigan mong di mo na nakita
May matinding suliranin sa buhay
Iniisip na wakasan ang lahat?
Paano kung ang batang nasa kalsada
Payat, pagod, nagmamakaawa
Naulila sa isang trahedya
At ngayo'y kailangang lumaban mag-isa
Sino ang tutulong sa mga nangangailangan
Tayo ang kasagutan
Sa panalangin ng nagdurusa
Tayo ang biyaya
Sa mahihirap at nagugutom
Tayo ang matibay na kamay
Na umaalalay sa mahihina
Tayo ang salitang
Nagpapagaan sa nabibigatang isipan
Hindi ba't sinabi sa Banal na Kasulatan
Na kung pakainin ang nagugutom
At painumin ang nauuhaw
Ay ang Panginoon ang ating pinaglilingkuran
Hindi ba't tinuro ng Diyos
Na kung ating pagalingin ang may sakit
At bigyan ng damit ang hubad
Ay ang Panginoon ang ating tinutulungan
Tayo ang kasagutan
Sa panalangin ng nagdurusa
Tayo ang biyaya
Sa mahihirap at nagugutom
Tayo ang matibay na kamay
Na umaalalay sa mahihina
Tayo ang salitang
Nagpapagaan sa nabibigatang isipan
Paano kung ang pulubi sa lansangan
Ay ang Panginoon mismo at tayo'y sinusubukan