Ito ay isang dalangin
Huwag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap na pangarap
Kasalanan nga bang umibig
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
T'wing gabi t'wing gabi
Pinipilit mang itago hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng
Bakit parang sa 'kin lamang may galit
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling
Lumilipad ang aking isip
Bigla na lang napapailing
Wala na ngang mapagtuunan
Ng pansin ng pansin
Pinipilit mang itago 'di kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng tulad ng
Bakit parang sa 'kin lamang may galit
Ang madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling
Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masaktan
Kung sino mang para sa 'kin 'di ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling
Kung sino mang para sa 'kin kahit magalit
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling