Elige una pista para reproducir
Nalulungkot ka ba sa pangyayaring
Dinaranas dahil sa kahinaan
Nalilito ka ba kung paano umahon
Sa pagkalublob sa kasalanan
Nahihirapan ka bang kumawala
Sa kasalanang nakagapos sa'yo
Nakalimutan mo na ba ang ginawa
Ni Hesus para sa kaligtasan mo
Masinsinang ipinahahayag:
Dinala ni Hesucristo ang iyong mga kasalanan
Ang iyong sakit, pighati, at karamdaman
Pasaning mag-isa'y hindi kailangan
Patatawarin ka Niya kapag nagsisi ka
Pagpapalain ka Niya ng iyong kailangan
Pagagalingin Niya ang iyong sugatang kaluluwa
Kapag ikinabit mo ang iyong sarili sa Kanya
Magiging magaan ang iyong mga pasanin
Kung gagawa at pananatiliin mo ang mga tipan
Upang sundin si Hesucristo
Matutuklasan mong panandalian lang
Ang masasakit na sandali ng iyong buhay
Ang iyong paghihirap ay
"Lulunin sa kagalakan ni Kristo."
Hindi pa huli, ni hindi pa maaga
Upang maging tapat na alagad ni Hesucristo
Patatawarin ka Niya kapag nagsisi ka
Pagpapalain ka Niya ng iyong kailangan
Pagagalingin Niya ang iyong sugatang kaluluwa
Kapag ikinabit mo ang iyong sarili sa Kanya
Magiging magaan ang iyong mga pasanin
Kung gagawa at pananatiliin mo ang mga tipan
Upang sundin si Hesucristo
Matutuklasan mong panandalian lang
Ang masasakit na sandali ng iyong buhay
Walang hanggan ang kakayahan ng Tagapagligtas na tulungan ka
Ang di-masukat na pagdurusa Niya sa Getsemani at Kalbaryo ay para sa iyo
Ang Kanyang walang-hanggang pagtubos ay para sa iyo
Patatawarin ka Niya kapag nagsisi ka
Pagpapalain ka Niya ng iyong kailangan
Pagagalingin Niya ang iyong sugatang kaluluwa
Kapag ikinabit mo ang iyong sarili sa Kanya
Magiging magaan ang iyong mga pasanin
Kung gagawa at pananatiliin mo ang mga tipan
Upang sundin si Hesucristo
Matutuklasan mong panandalian lang
Ang masasakit na sandali ng iyong buhay