Elige una pista para reproducir
Aray Diyos ko saksakan nang hapdi
Dati'y ako lang ang tinatangi
Ngunit ngayon ay mayroon nang kahati
'Di ko tuloy mapigil ang hikbi
Naglaho na'ng aking mga ngiti
Sawa naman ngayon sa pighati
Halos umagos na ang luha sa aking pisngi
Heto pala ang buhay ng sawi
Aray tadhana ay kay lupit
Bakit iyong isa ang masidhi
Samantalang ako'ng nauna
Ba't naging pangalawa
Diyos ko aray
Palusot lamang pala
Ang iyong pagmamahal sa akin
Kahit ginto ang aking damdamin
Aray tadhana ay kay lupit
Bakit iyong isa ang masidhi
Samantalang ako'ng nauna
Ba't naging pangalawa
Aray ba't mo ako ginanito
Nilason mo ang buong isipan ko
Ako'y sa 'yo pa rin kahit pa kanya ka na
Aray basta't ikaw ay sasaya
Aray basta't ikaw ay sasaya