Elige una pista para reproducir
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam
At muling babalik sa tinutuluyan kong maliit na sigpit
Kung saan walang hanggan ang pagtulo ng luha mula kisame
At basa, walang sawa ang kaingayan ng mga paniki
Sila lang ang nakakaalam ng lahat ng sakit at pighati
Ngunit narinig muli ang 'yong musika
Pa'no ba'ng 'di lumapit kung nandiyan ka na?
Pagod na sa mga sabit, puso ko'y isasara
At kahit anong kalabit ay 'di kita papansinin
Nga naman, 'di alam ano ba'ng mangyayari sa 'king hinliliit
Buhat niya ang pangako na aking ginawa na kailanman 'di ako mawawalay sa 'yo
Sa biglaang pagtago na magbibigay-daan sa aking paglaho
Nasabi ko naman, pagpasensiyahan mo lang na ito ang aking nakasanayan
Ngunit 'di mo tinigil ang 'yong musika
Sinubukan mo pa ring tanungin kung puwede ba'ng
Muli kong kausapin ka tungkol sa 'ting dalawa
Mga pangakong kay dali lang nalimutan
Sa ating huling usapan, sinadyang magkaaminan
At 'di ko inaasahang nagawang harap-harapan
Sabi mo, mayro'ng saysay ang ating munting salaysay
Ngunit 'di naagapan ng oras, nangyari na ang lahat
(Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram)
(Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam) oh, nangyari na'ng lahat
(Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram) bam-ba-ram, ba-ram, po-po-ro, po-ro
(Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam) po-ro-ro
At nang marinig muli ang 'yong musika
Parang 'di ko na kayang magpaalam pa
Sabi nga ni Bathala, 'di ngayon ang 'tinakda
Balang-araw ay sana maisayaw kita
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam