Elige una pista para reproducir
Ako ang nauna ako ang nauna
Pangalawa ka lang
Ako ang nauna bago ka dumating
Bago ka minahal ako'y kanya nang naangkin
Kaya mabuti pa't siya'y iyong limutin
Tulad mo rin akong may puso't damdamin
Ako ang nauna bago mo nadama
Ang kanyang sandaling nasa 'kin nagmula
Matatanggap mo ba ang ikaw ay kutyain
At tawaging isang ligaw na bituin
Ako ang nauna pangalawa ka lang
Hiram na ligaya ang iyong makakamtan
At papayag ka ba na tawaging isang hangal
Ang inibig mo'y aking minamahal
Ako ang nauna pangalawa ka lang
Na kung tutuusin ay wala kang karapatan
Na umibig sa isang wala nang kalayaan
Ang ibigin siya'y isang kasalanan
Ako ang nauna bago mo nadama
Ang kanyang sandaling nasa 'kin nagmula
Matatanggap mo ba ang ikaw ay kutyain
At tawaging isang ligaw na bituin
Ako ang nauna pangalawa ka lang
Hiram na ligaya ang iyong makakamtan
At papayag ka ba na tawaging isang hangal
Ang inibig mo'y aking minamahal
Ako ang nauna ako ang nauna
Pangalawa ka lang