Saang sulok ng langit ko matatagpuan
Kapalarang di natitikman
Sa pangarap lang namasdan
Isang lingon sa langit
At isang ngiting wagas
May talang kikislap
Gabay patungo sa tamang landas
Unti-unting mararating
Kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayon tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking pag-gising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
Ilang sulok ng lupa may kubling nalulumbay
Na nasanay sa isang kahig isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit
Nais magbagong buhay
Sa ating mga palad
Nakasalalay ang ating bukas
Unti-unting mararating
Kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayon tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking pag-gising
Kapiling ko'y pangarap na bituin oh
Unti-unting mararating
Kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayon tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking pag-gising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
Bukas naman sa 'king pag-gising
Kapiling ko'y pangarap na bituin