Pagkasapit ng umaga
Ikaw agad ang gusto kong makita
Sadyang kahanga-hanga
Nabubukod-tangi ang 'yong ganda
Next time puwede bang manligaw
Labas tayo minsan kung saan mailaw
Libre kita streetfoods kahit pa inihaw
Basta't pag ikaw hawakan ang kamay upang 'di ka maligaw
Ano bang kinakailangan kong gawin para
Tumaas ng kaunti ang pag-asa ko sa 'yo sinta
Ilang tula na rin ang aking nagawa
Idagdag mo pa 'yung mga 'di natapos na kanta
Meron ba akong pag-asa sa iyo
Kung wala pa ay 'di naman ako hihinto
Kahit pa ano ang iyong gusto
I won't stop itutuloy ko lamang ito
Kaya 'wag mababahala
'Di ako mawawala ha yeah
Kaya sa akin ka'y sumama
Ikaw ay magtiwala hmmm
Aamining minsan napapanghinaan
May oras na 'di ka nagpaparamdam
Alam kong maraming pinagdadaanan
Sabihin mo lang at handa kita na damayan
Hayaan mo na ako na mahalin ka
Kahit na pag-ibig mo'y 'lang kasiguraduhan
Ayos lang 'di ako susuko parang 'yun lang
Ano bang kinakailangan kong gawin para
Tumaas ng kaunti ang pag-asa ko sa 'yo sinta
Ilang luha na rin ang mga pumatak
Para lang mapatunayan ang pag-ibig ko 'di ba
Meron ba akong pag-asa sa iyo
Kung wala pa ay 'di naman ako hihinto
Kahit pa ano ang iyong gusto
I won't stop itutuloy ko lamang ito
Kaya 'wag mababahala
'Di ako mawawala ha yeah
Kaya sa akin ka'y sumama
Ikaw ay magtiwala ha hmmm
Meron ba akong pag-asa sa iyo
Kung wala pa ay 'di naman ako hihinto
Kahit pa ano ang iyong gusto
I won't stop itutuloy ko lamang ito
Kaya 'wag mababahala
'Di ako mawawala ha yeah
Kaya sa akin ka'y sumama
Ikaw ay magtiwala ha hmmm