Elige una pista para reproducir
Ang bilis ng isang saglit oh
Ang bilis ng isang saglit
Ang bilis ng isang saglit oh oh
Emcee
Naaalala ko pa no'n laging sa 'kin nakayakap
Ilang minuto lang na mawala ay hinahanap
Ngayon ilang buwan na di'ng hindi ka tumatawag
Wala ng text at naging ex ako 'di mapatawad
Wala na 'kong kasamang magsindi sa balcony
Tapos makikinig ng bone thugs-n-harmony
Nasan na 'yung bad chick na nasunod sa gusto ko
Laging may halik sa cheek na nabuo sa mundo ko
'Yung babae na hindi hinanap pero dumating
'Yung babae na sumama nu'ng wala pa'ng mga bling
'Yung babae na nakatiis sa tulad kong praning
'Yung katulad mong pinagpalit 'ko sa isang gabing
Puro tama daming tama lakas tama na ako
Nagising na lang sa kwartong may kasama na ako
Iniisip ko na sana ikaw ang katabi ko
Pero kahit anong sabihin ay nagkamali ako
Isang saglit lang nangyari ang lahat ng 'to
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo
Nagsisisi't nanabik sa yakap mo't mga halik
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik
'Di ko sinasadya na ang puso mo'y madurog
Dapat nu'ng gabi na 'yon maaga nang natulog
Edi sana hindi na 'ko nakagimik pa sa Timog
Edi sana wala'ng sana ang lahat na lang malimot
Ako'y parang na praning nakalimot sandali
Nalimutan kong mayro'n akong ikaw nang ka'y dali
Mabilis tumakbo ang oras natapos ang gabi
Kasabay ng pag liwanag nakaraos din kami
At natapos na kami pero natapos din 'yung tayo
Alam ko 'yung mali kaya ko nga ginagawa 'to
Umaasang kahit pa'no ay maririnig mo
Gusto ko lang sanang sabihin ika'y nami-miss ko
Isang saglit lang nangyari ang lahat ng 'to
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo
Nagsisisi't nanabik sa yakap mo't mga halik
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik
Dahil sa isang saglit tayo ay nasira (nasira)
Nakalimutan ang lahat ng hindi nakita
Sa isang saglit lahat ay nawala na (nawala)
Pinagpalit ang matagal na pagsasama
Sa isang saglit ito ang kapalit
Ikaw ang nawala sana ikaw ay magbalik
Pagkatapos ng saglit na ako'y nakasakit
Saka ko lang naisip ang hindi ko nabatid
Kaya nu'ng magising ako ako'y tumawag
Sinasabi ang lahat sana ay mapatawad
Mapatawad naman salamat pero hindi maawat
Ika'y lumakad at tumalikod ng walang paalam
Isang saglit lang nangyari ang lahat ng 'to (sa isang saglit lang)
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo (pag-ibig mo)
Nagsisisi't nanabik sa yakap mo't mga halik (nagsisisi mga halik)
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik oh (sa isang saglit lang)
Ang bilis ng isang saglit ang bilis ng isang saglit (yeah yeah mabilis lang)
Ang bilis ng isang saglit ang bilis ng isang saglit (sana pweding bumalik)
Ang bilis ng isang saglit ang bilis ng isang saglit (yeah yeah mabilis lang)
Ang bilis ng isang saglit ang bilis ng isang saglit
Sana pweding bumalik
Sana pwede sana pwede (sana pweding bumalik)
Sana pwede sana pwede (sana pweding bumalik)
Sana pwede sana pwede (oh oh oh)