Elige una pista para reproducir
Kulang ang babala
Mayroon palang makikilala na tila isang palaisipan
Na pinipilit maintindihan
Napapansin ko na
Ngunit nagpapatay malisya
Mga mata ko’y nakapako sa bawat espasyo kung nasaan ka
Ba’t pa kailangan gawing kumplikado
Kasi minsan ang lapit mo minsan ang layo
Oh, nakikita mo rin ba o namamalikmata lang ako?
Nagtatama ang mata kahit ‘di sinasadya
Oh, baka pwedeng huwag kang tumingin pag tinitignan kitang palihim
Magiiwas ng tingin ngunit hahanap-hanapin parin
Oh mapang-akit ka nga
Wala ba talagang malisya?
Ang bawat sagi ng kamay mo sakin
Ako’y tumitiklop parang makahiya
Naririnig na kita
Sa himig mo’y ‘di magsasawa
Sumulat man ang mga anghel ng musika
Sa tinig mo parin ako kumakalma
Ba’t pa kailangan gawing kumplikado
Sa larangan ng pag-ibig sana wala nang talo
Oh, nakikita mo rin ba o namamalikmata lang ako?
Nagtatama ang mata kahit ‘di sinasadya
Oh, baka pwedeng huwag kang tumingin pag tinitignan kitang palihim
Magiiwas ng tingin ngunit hahanap-hanapin parin
Nakikita mo rin ba
Hindi namamalikmata (Namamalikmata)
Tinginan nating dalawa
Hindi maikukumpara
Nakikita mo rin ba (Ng nakakahibang mong tingin)
Hindi namamalikmata (Huwag mo namang hibangin)
Tinginan nating dalawa (Huwag mong samantalahin)
Hindi maikukumpara (Nanghihinang puso baka tangayin)
Ng nakakahibang mong tingin
Oh huwag mo namang hibangin
Huwag mong samantalahin
Nanghihinang puso baka tangayin
Ng nakakahibang mong tingin
Nakikita mo rin ba
Namamalikmata
Nanghihinang puso baka tangayin ng nakakahibang mong tingin