Pusong may may-ari na, mahirap sungkitin
Hindi ko makukuha kahit ikaw ay lambingin
Sino ako sa buhay mo kung mahal mo pa siya
Sabihin mo sa akin saan ba 'ko lulugar
Araw-araw magkasama ano ba ang gagawin
Hanggang tingin na lamang, 'di ba pwedeng mahalin
Ako'y maghihintay sayo
Sa kanya, puso mo ay ilayo
Ikaw lang ang hinahanap ko
Kahit ibang sigaw ng puso mo
Teka nga, sandali
Kailan ba nagiging tama ang mali
Puso mong malaya na, sumama sa iba
Ako'y naiwan dito naghihintay, umaasa
Sino ako sa buhay mo kung may mahal ka nang iba
Sabihin mo sa akin saan ba 'ko lulugar
Araw-araw magkasama ano ba ang gagawin
Hanggang tingin na lamang, 'di ba pwedeng mahalin
Ako'y maghihintay sayo
Sa kanya, puso mo ay ilayo
Ikaw lang ang hinahanap ko
Kahit ibang sigaw ng puso mo
Teka nga, sandali
Kailan ba magiging tama ang mali
Araw-araw magkasama ano ba ang gagawin
Hanggang tingin na lamang, 'di ba pwedeng mahalin
Ako'y maghihintay sayo
Sa kanya, puso mo ay ilayo
Ikaw lang ang hinahanap ko
Kahit ibang sigaw ng puso mo
Teka nga, sandali
Kailan ba magiging tama ang mali
Kailan ba magiging tama ang mali