Elige una pista para reproducir
Isang panibagong araw na naman ang dumating
Kailangan nang bumangon para hindi ako mahuli
Habang mahimbing pa rin ang iyong tulog
Sa ating higaan
Isang panibagong araw na namang 'di mapakali
Andaming hinahabol at ayaw na ayaw magpahuli
Habang mahimbing pa rin ang iyong tulog
Sa ating higaan
Ayoko na munang magmadali
'Pag ikaw ang kasama
Simot bawat sandali
Lalo na 'pag hawak ko ang 'yong mga kamay
Kay tagal ko 'tong hinintay
Ayokong masanay magmadali
'Pag ikaw ang kasama
Sabay tayong mag-umagahan
At maghati sa isang sawsawan
Mga kapeng lumalamig
'Di na napapansin sa haba ng kwentuhan
Kung pwede lang sana
Dito na mamalagi
Magdamag magkasama't
'Di nagbibilang ng oras
'Di tiyak ang bukas natin kaya...
Ayoko na munang magmadali
'Pag ikaw ang kasama
Simot bawat sandali
Lalo na 'pag hawak ko ang 'yong mga kamay
Kay tagal ko 'tong hinintay
Ayokong masanay magmadali
'Pag ikaw ang kasama
(Ayoko ayoko ayoko)
Ayoko magmadali
(Ayoko ayoko ayoko)
Ayoko masanay na magmadali
Yeah yeah
Ayoko masanay
Masanay masanay na magmadali